Wednesday, December 19, 2007

UP Naming Mahal

"UP Beloved" by Nicanor Abelardo sung by UP Concert Chorus
Go to UPCC site to listen to the UP Alma Mater Hymn

Sino ang modelo ng UP Oblation?



Hubo’t hubad na rebulto ng lalaki, nakadipa ang kamay habang nakatingin sa kalangitan, ito ang estatwa na simbulo ng University of the Philippines. Pero totoo nga ba na isang dating sikat na aktor ang naging modelo ng nasabing debuho?

Naging maugong noon na si Fernando Poe Sr, ama ng kinikilalang Hari ng Pelikulang Pinoy na si Fernando Poe Jr ang sinasabing modelo ng UP oblation. Ngunit sa isang libro, lumitaw na hindi si Poe Sr kundi si Anastacio Caedo ang modelo ng debuho.

Si Caedo ay sinasabing estudyante ni Professor Guillermo Tolentino ang lumikha ng debuho noong 1935. Nais umanong ipakita ni Tolentino sa kanyang obra ang nasyunalismo ng isang Filipino. Ang hubo’t hubad na katawan habang nakadipa ang mga kamay ay pagpapakita ng pag-aalay nito ng sarili para sa bayan.

Hindi naglaon, si Caedo ay naging fine arts professors at sinundan ang yapak ni Tolentino sa paglilok. Kabilang sa mga ginawang rebulto ni Caedo ay ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa Idelstien, Germany. - GMANews.TV

Takbong Hubo’t-Hubad "OBLATION RUN"

12/16/2007 07:46 PM

Inaabangan tuwing Disyembre ang taunang “Oblation Run" o pagtakbo ng nakahubo’t-hubad ng mga myembro ng fraternity group na Alpha Phi Omega sa University of the Philippines. Alam nyo ba kung kailan ito nagsimula at kung ano ang una nilang pakay?

Nakatakip ang mukha ng mga myembro ng APO na tumatakbong hubo’t-hubad habang bitbit ang karatula ng kanilang ipinoprotesta. May dala rin silang rosas na ibinibigay sa mga nanonood sa kanilang pagtakbo.

Taliwas sa maling akala, hindi isang paraan ng “initiation" sa bagong recruit na kasapi ng APO ang pagsama sa Oblation run. Tanging mga ganap na myembro lamang ng fraternity pinapayagan na makibahagi sa kakaibang paraan ng kanilang pagpapakita ng “protesta."

Unang ginawa ng APO ang pagtakbo ng hubo’t-hubad noong 1977 para sa promosyon ng isang dula o play na pinamagatang “Hubad na Bayani" na parangal sa isa nilang kasama na namatay sa isang rumble.

Maliban sa isang paraan ng pagprotesta, ang pagtakbo ng hubot’-hubad ay paalala rin umano ng APO sa mga mag-aaral ng UP tungkol sa prinsipyo ng Oblation na ialay ang buong sarili para sa bayan. - GMANews.TV

Alpha Phi Omega stages annual Oblation Run



Mindoro Oriental students hold first oblation run

UP Carillon rings to mark school's 100th year

UP Lantern Parade 2007 gets festive & UST Panunuluyan 2007